5 pulis-Maynila na umano’y sangkot sa robbery-extortion, sumuko na

5 pulis-Maynila na umano’y sangkot sa robbery-extortion, sumuko na

ITINANGGI ng 5 pulis-Maynila ang umano’y pagkakasangkot sa robbery-extortion sa isang computer shop sa Sampaloc, Maynila.

Ito ay matapos sumuko saat humarap kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. kagabi.

Ayon kay Police Staff Sergeant Ryan Tagle Paculan, lehitimo ang kanilang operasyon sa computer shop na nagsasagawa aniya ng online casino bagama’t walang kaukulang permit mula sa Bureau of Permits ng lungsod ng Maynila.

Sa katunayan aniya, sinubukan aniya silang suhulan ng may-ari ng computer shop na si Herminigildo dela Cruz ng 4,000 piso kada linggo upang hayaan ang operasyon ng kaniyang negosyo.

Itinanggi rin ni Paculan ang akusasyon na kinuha nila ang 40,000 piso, 3,500 pisong laman ng kaha at ang hard drive ng CCTV ng computer shop.

Agad na dinala ang limang pulis sa Manila Police District (MPD) para harapin ang reklamo sa kanila.

Una nang ipinag-utos ng PNP chief ang manhunt operation sa mga pulis dahil sa akusasyon ng robbery-extortion.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter