5 respondents ng Dacera case, bumwelta, opisyal ng Makati Police Station at  NBI, kakasuhan

5 respondents ng Dacera case, bumwelta, opisyal ng Makati Police Station at  NBI, kakasuhan

BUMUWELTA ngayon ang kampo ng limang respondents ng Christine Dacera case  laban sa kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanila.

Ayon sa mga respondents na sina Gregorio Angelo Rafael de Guzman, Rommel Galido, Jezreel Rapinan, Valentine Rosales and John Pascual dela Serna na dismiss na ang kanilang kaso sa Dacera case ngunit may panibagong inihaing kaso laban sa kanila.

Nagsampa sila ng kasong kriminal at administratibo laban sa hepe ng Makati City Police station at ilang opisyal ng NBI na humawak sa nasabing kaso.

Kasama ring kakasuhan  ng grave misconduct ang mga opisyales na sangkot sa diumano’y maanomalyang pag response ng mga pulis at paggalaw sa labi ni Christine Dacera.

Matatandaan na ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang rape case with homicide laban sa 11 suspek na isinasangkot sa pagkamatay ng flight attendant matapos ang dalawang linggong palugit na ibinigay ng piskalya sa kampo ng complainant, ang Makati PNP, napag-alaman na kulang pa rin ang ibinigay nito na dokumento o ebidensya.

Matatandaan rin na nakumpleto ng NBI ang forensic examination sa nakuhang tissues sa bangkay ng flight attendant na isa sa naging ebidensya rin umano sa respondents ng Dacera case noong Enero.

 

SMNI NEWS