Pekeng FB account ni Sec. Bello na nangangalap ng donasyon, iimbestigahan ng NBI

Pekeng FB account ni Sec. Bello na nangangalap ng donasyon, iimbestigahan ng NBI

SISIMULAN na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisiyasat sa reklamo laban sa gumagamit ng pekeng FB account ni Labor Secretary Silvestre Bello III at nagsosolicit para suportahan umano ang ilang mga community pantries.

Hiniling din ni Sec. Bello sa NBI na tugisin, kilalanin at arestuhin ang mga sangkot sa pekeng Facebook account na nangangalap din ng donasyon para pondohan ang posibleng pagtakbo nito Bello sa darating na 2022 election bilang Senador.

Ang pekeng Facebook account ay nakapangalan sa “Silvestre H. Bello III” na may mga larawan ni Bello kasama ang ilang mga officials at makikita sa background ang larawan o tarpaulin ng TUPAD na pangunahing programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang inirereklamong pekeng FB account ay gumamit ng official logo ng DOLE at makikitang kasama sa larawan ang ilang mga opisyal at kaibigan ni Bello at mayroong 1,211 FB friends.

 

SMNI NEWS