TINATAYANG 524 billion dollars ang kailangan para sa rehabilitasyon ng ekonomiya ng Ukraine.
Bagamat nagpapatuloy pa ang Ukraine war sa kasalukuyan, nakabatay ang pag-aaral na ginawa ng World Bank, United Nations, European Commission at ng Ukrainian Government Fund sa February 2022 hanggang December 2024 period ng Russian invasion.
Nakita naman sa pag-aaral na umabot na ng 70 percent ang napinsala na assets sa energy sector ng Kyiv.
Malaki rin ang pinsala na dulot ng Ukraine war sa housing sector maging sa transportation, agriculture at iba pa.