5,400 pasahero, stranded sa Manila North Passenger Terminal

5,400 pasahero, stranded sa Manila North Passenger Terminal

UMABOT na sa 5,400 pasahero ang kasalukuyang “stranded” sa Manila North Port Passenger Terminal matapos makansela ang kanilang biyahe bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Tropical Storm #KabayanPH ngayong araw, Disyembre 18, 2023.

Biyaheng Cebu City, Butuan City, Tabilaran City, at Cagayan de Oro City ang mga barkong nananatili sa pantalan at naghihintay ng abiso para sa ligtas na paglalayag.

Personal na binisita ni Coast Guard Public Affairs Service acting Commander, CG Rear Admiral Armando Balilo ang Manila North Port Passenger Terminal upang kumustahin ang lagay ng mga pasahero.

Katuwang ang Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA), nakatutok ang PCG para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga mananakay sa pantalan bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2023.

Follow SMNI NEWS on Twitter