Mga Pilipino, positibo sa darating na taon pero in ‘survival mode’ pa rin—survey

Mga Pilipino, positibo sa darating na taon pero in ‘survival mode’ pa rin—survey

POSITIBO ang karamihan sa mga Pilipino para sa darating na bagong taon.

Ito ayon sa 2023 End of the Year Survey ng Pahayag ng Publicus Asia.

Pero ayon kay Eric Yancy Estrabo, ang Pahayag team lead, nasa ‘survival mode’ pa rin ang karamihan.

Posible aniyang ito ay dahil sa kahirapan pa ring umangat sa buhay ng pamilyang Pilipino.

Dagdag pa ni Estrabo, bagaman sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay bumaba ang inflation rate sa bansa ay hindi pa rin aniya ito nararamdaman ng taumbayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble