NAGHAIN ng kidnapping at serious illegal detention charges sa Manila RTC ang Department of Justice (DOJ) laban sa 6 na indibidwal na nasa likod umano ng pagkawala ng ilang sabungero noong taong 2022.
6 na indibidwal ang sinampahan ng kaso ng DOJ sa Manila Trial Court, hapon ng Martes dahil sa pagkawala ng mga sabungero.
Kidnapping at serious illegal charges ang inihain ng DOJ laban kay Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion, at Roberto Matillano Jr.
Sila ay nadiin sa pagkawala ng mga sabungero na sina Marlon Baccay, Rowel Gomez, John Claude Inonog, James Baccay, Marlon Baccay, Rondel Cristorum at Mark Joseph Velasco.
Sa record ng mga awtoridad, January 13 taong 2022 nang mawala ang mga biktima matapos maglaro ng sabong sa Manila Arena.
Sa mensahe galing kay DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano, ang mga akusado ay nanatiling at large at hinikayat ang publiko o sa mga nakakakilala sa kanila na ipaalam sa mga awtoridad ang whereabouts ng mga ito.