6 na Pilipino na biktima ng human trafficking sa Myanmar, nakauwi na

6 na Pilipino na biktima ng human trafficking sa Myanmar, nakauwi na

DINALA ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Camp Aguinaldo sa Quezon City ang 6 na Pilipinong biktima ng human trafficking sa Myanmar.

Ayon sa mga biktima, nakita lamang nila sa social media na mayroong POGO job hiring at dito na sila nakipag-ugnayan sa kagustuhan na makapagtrabaho.

Matapos nito ay hindi sinunod ng kanilang employer ang kanilang kontrata bilang direct sales at sa halip ay ginamit sila sa crypto currency scam.

Mula umano sa Thailand ay dinala sila sa Myanmar at doon na sila ikinulong, sinasaktan at sapilitang pinagtratrabaho.

Ayon naman kay PAOCC director Winston Casio, tinutukoy na nila ang mga Chinese na nagpapatakbo ng human trafficking sa Myanmar.

Base kasi sa impormasyon na kanilang nakuha ay may 60 pa na mga Pilipino ang pinagtratrabaho sa crypto currency scam.

Kanila namang bibigyan ng tulong ang 6 na biktima na napauwi na dito sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter