Mga tauhan ng PDEG, isasailalim sa lifestyle check

Mga tauhan ng PDEG, isasailalim sa lifestyle check

IPINATUPAD ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang lifestyle check sa lahat ng kanilang tauhan.

Ito ay bilang bahagi ng direktiba ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na salaing mabuti ang mga pulis na ia-assign sa PDEG.

Ayon kay PDEG Director Police Brigadier General Faro Antonio Olaguera, maging siya ay sasailaim sa lifestyle check at nakahanda ring siyang pumirma ng bank waiver kung kinakailangang masilip ang kaniyang deposito.

Nabatid na kada 6 na buwan gagawin ang lifestyle check sa mga tauhan ng PDEG.

Nilinaw naman ni Olaguera na hindi labag sa karapatan ng mga pulis ang pag-monitor lalo at bilang public officer ay kailangan matiyak ang public trust.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter