7-day COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba –OCTA

7-day COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba –OCTA

BUMABA ang 7-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Sa Twitter post, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na bumaba sa 17.3% nitong Oktubre 10 ang positivity rate sa NCR mula sa 19% noong Oktubre 3.

Ayon pa kay David, bumaba rin ang reproduction sa Metro Manila sa 0.93 mula sa 0.99 noong Oktubre 6.

Habang ang one week growth rate ay nasa -16% at ang healthcare utilization rate (HCUR) ay nasa 37%.

Umaasa naman ang OCTA na magpapatuloy ang downward trend sa natitirang buwan ng taon.

 

Follow SMNI News on Twitter