7 kawani ng Immigration sibak dahil sa human trafficking

7 kawani ng Immigration sibak dahil sa human trafficking

TINANGGAL na ng Bureau of Immigration (BI) ang 7 kawani na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na pagpapalabas ng hindi bababa sa 200 Pilipino para lang maging biktima ng human trafficking.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Viado, ang mga tauhang ito ay nakatalaga sa terminal 1 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sila ngayon ay iniimbestigahan at maaaring makasuhan sa Department of Justice kung mapatunayang nagkasala.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Viado na patuloy na naghahanap ng paraan ang mga trafficker upang makaiwas sa inspeksiyon.

Ito’y kahit sa pamamagitan ng tiwaling indibidwal o sa mga lugar na mahina ang seguridad para lang mailabas nang hindi namamalayan ang kanilang mga biktima.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble