7 LGUs na kasama sa pagpapatupad ng Single Ticketing System, handa na—LTO

7 LGUs na kasama sa pagpapatupad ng Single Ticketing System, handa na—LTO

IPINAGBIGAY-alam ng Land Transportation Office (LTO) na nakahanda na ang 7 lokal na pamahalaan sa National Capital Region para sa implementasyon ng Single-Ticketing System sa Mayo 2.

Kabilang dito ang San Juan City, Quezon City, Parañaque, Manila, Muntinlupa, Valenzuela, at Caloocan.

Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, handa na ang mga nabanggit na LGU sa pagpapatupad ng unified ticketing system kung saan magkakaroon sila ng koneksiyon sa database ng LTO.

Ang pagkakaroon din ng demerit system sa ilalim ng bagong polisiya kung saan ang mga lalabag sa batas-trapiko ay may kaakibat na demerit points.

Oras na umabot ito sa 10 demerit points ay oobligahin na ang driver na sumailalim sa re-orientation course at maaari pang humantong sa pagpapawalang bisa ng lisensiya kung umabot sa 40 ang demerit points.

Paglilinaw ni Tugade na hindi kukumpiskahin ang lisensiya kapag nahuling lumabag sa batas trapiko maliban na lamang kung ito ay may pending pang multa na hindi nababayaran.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter