Mayor Belen, pinangunahan ang pamamahagi ng seed capital sa mga kuwalipikadong benepisyaryo

Mayor Belen, pinangunahan ang pamamahagi ng seed capital sa mga kuwalipikadong benepisyaryo

PINANGUNAHAN ni Mayor Belen Fernandez ngayong umaga ang pagbibigay ng tulong sa 90 benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Dagupan City.

Ang mga benepisyaryo ay makatatanggap ng P15,000 na seed capital kada isa na magagamit nila bilang puhunan sa kanilang gagawing negosyo.

Samantala, nakikiisa rin ang Dagupan LGU sa Department of Health (DOH) sa gaganaping Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine MR-OPV Campaign 2023 Supplemental Immunization Activity (SIA).

Sumailalim na ang mga health workers ng lungsod sa orientation and macro planning workshop sa pangunguna ng City Health Office.

Kasama rin sa Immunization Program ang World Health Organizations (WHO) at Relief International.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter