700 kabahayan apektado sa 2 sunog sa Maynila

700 kabahayan apektado sa 2 sunog sa Maynila

HIGIT 300 pamilya o nasa 200 kabahayan ang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa Brgy. 605, Port Area, Maynila pasado alas dose ng madaling araw nitong Miyerkules, Abril 23, 2025.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Manila, 20 minuto pa lang matapos magsimula ang sunog ay agad nang itinaas sa Task Force Alpha ang alarma.

Bago mag-alas sais ng umaga ay idineklarang under control ang sunog.

Mahigit 25 fire trucks at higit 100 fire volunteers ang rumesponde sa lugar.

Hindi pa matukoy ang sanhi at kabuuang halaga ng pinsala.

Samantala, isa pang sunog ang sumiklab sa Road 10, Brgy. 123, Tondo, Manila bandang alas dos ng madaling araw.

Tinatayang nasa 500 kabahayan ang naapektuhan at aabot sa P10M ang kabuuang halaga ng pinsala.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble