NAKAPAGTALA ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng walong kumpirmadong kaso ng monkeypox (Mpox).
Tatlo sa mga bagong kaso ay mula sa Cotabato City batay sa datos ng kanilang Ministry of Health.
Ang mga pasyente ay kasalukuyan nang sumasailalim sa isolation at mahigpit na mino-monitor.
Nagpapatuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na maging mapagmatyag at agad magpakonsulta sakaling nakararanas ng mga sintomas ng sakit.