8 miyembro ng CTGs, sumuko dahil sa demoralisasyon sa pagpanaw ni Joma Sison

8 miyembro ng CTGs, sumuko dahil sa demoralisasyon sa pagpanaw ni Joma Sison

SUMUKO ang 8 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa tropa ng militar sa Barangay Kibangay, Lantapan at Barangay Madaya, Pangantucan sa Bukidnon.

Ayon kay Eastern Mindanao Command (EastMinCom) commander Lieutenant General Greg Almerol, ang mga sumuko ay pawang miyembro ng Platun IPAD, Sub-Regional Committee 5 (SRC5) ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) na pinangunahan ni Noel “Wawang” Sinanday.

Sinabi ni Almerol na ang pagsuko ng walong indibidwal ay resulta ng tumataas na demoralisasyon sa kanilang hanay matapos mamatay si CPP Founding Chairman Jose Maria Sison.

Itinuro din ng mga sumuko ang imbakan ng armas ng NPA sa Barangay Tikalaan at Barangay Miarayon, Talakag, Bukidnon.

Nakumpiska ng militar ang tatlong AK47 rifle, tatlong M16A1 rifle, isang M14 rifle, isang Improvised Explosive Device (IED), iba’t ibang magazine, bala at medical supplies.

Muli naman hinikayat ni General Almerol ang natitirang miyembro ng NPA na sumuko at tanggapin ang programa sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Follow SMNI NEWS in Twitter