HINDI na mababago at solido na ang desisyon ng 80% na supporters ng UniTeam.
Ayon sa mga ito, ang tambalang BBM-Duterte na ang pinal nilang iboboto ngayong eleksyon.
Ito ang nadiskubre ng Publicus Asia matapos ang pinakahuli nilang survey, ilang araw bago ang halalan sa May 9, 2022.
Dahil dito, sa tansya ng Publicus Asia, malinaw na mananalo ang UniTeam.
Sa April 19-21, 2022 survey ng Publicus, aabot sa 36% ang lamang ni BBM kay VP Leni Robredo na sa ngayon ay bumaba pa ang voter preference nito.
Sa kanilang survey, bagamat top choice sa buong dako ng Pilipinas si Marcos, sa Mindanao ito nakakuha ng pinakamataas na voting preference matapos nakapagtala ng 72%.