NABABAHALA ang Department of Health (DOH) sa Negros Oriental sa dami ng kaso ng rabies sa lalawigan na posible pang lumobo ngayong 2024.
Sa tala ng DOH, umaabot sa 80 ang kaso ng rabies kada araw kung saan 25 dito ay nangangailangan ng follow up treatment.
Ayon kay DOH-Negros Oriental Provincial Chief Dr. Jennifer Remollo ang kanilang animal bite centers ay napupuno ng mga pinaghihinalaang kaso ng rabies araw-araw, at ito ay talagang nakaaalarma.
“Our animal bite centers are bombarded with many suspected rabies cases every day, and this is already alarming,” ayon kay Dr. Jennifer Remollo, DOH-Negros Oriental Provincial Chief.
Sa mga naitalang kaso ng rabies, karamihan sa mga ito ay mula sa kagat ng aso, pusa, at iba pang hayop.
Kaya ayon sa DOH, numero unong dapat tiyakin ng bawat nagmamay-ari ng hayop ay ang pagiging responsable sa kanilang mga alaga.
Ang probinsiya ng Dumaguete, Valencia, at Sibulan ay nakapagtala ng mas mataas na kaso ng rabies noong 2023.
Sa probinsiya ng Negros Oriental umabot na sa 4,759 ang kaso ng rabies na naitala sa Negros Oriental Provincial Hospital, 2,449 sa lungsod ng Dumaguete, 814 sa Sibulan at 592 sa Valencia.
Inaalam pa sa ngayon ang bilang ng mga kao ng rabies sa ibang siyudad at bayan.