800 katao, lumikas dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon

800 katao, lumikas dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon

HALOS walong daan (796) katao malapit sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island ang pinalikas.

Kasunod ito sa pagputok ng Bulkan, Lunes ng gabi, Hunyo 3, 2024 ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi na rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nasa Alert Level 2 na ang Kanlaon sa kasalukuyan.

Pinaiiwas din ang publiko sa four-kilometer radius permanent danger zone upang maging ligtas mula sa biglaang pagsabog, rockfall, at landslides.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter