9 na pasahero ng MRT-3 na sumalang sa random antigen test kahapon, nagpositibo sa COVID-19

9 na pasahero ng MRT-3 na sumalang sa random antigen test kahapon, nagpositibo sa COVID-19

UMABOT sa siyam na pasahero ng MRT-3 ang nagpositibo sa COVID-19 matapos sumalang sa random antigen test kahapon, hanggang alas 7 ng gabi , Enero 11.

Ito ay mula sa 48 na pasahero ng MRT-3 na sumalang sa libreng random antigen test ng railways system kahapon.

Ang mga nagpositibo ay hindi na pinayagan na makasakay ng tren at pinayuhan na mag-isolate at sumailalim sa confirmatory test.

Isinasagawa ang test sa mga istasyon ng North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard, at Taft Avenue tuwing peak hours mula 7:00 hanggang 9:00 sa umaga, at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Pamahalaan, nakahanda na sakaling itaas sa Alert Level 4 ang NCR

Samantala, tiniyak ni Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles na handa na ang pamahalaan sakaling isailalim sa Alert Level 4 ang National Capital Region (NCR).

Ito ay makaraang makapagtala ng higit 100,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang linggo.

Sinabi pa ni Nograles na matagal nang inihahanda ng pamahalaan ang mga ospital sakaling dumating sa worst case scenario ang kaso ng COVID-19 partikular sa NCR.

Maging sa hanay ng mga healthcare workers ay nagpapatuloy ding minomonitor ng pamahalaan.

Nauna na rin nilang ipinanawagan sa mga ospital na taasan ang kanilang kapasidad para sa mga COVID patients at ang kanilang temporary treatment and monitoring services.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter