NAKATAKDANG ipatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang no vaccination, no ride policy sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila.
Ayon kay Transportation Secretary Tugade, nag-isyu ito ng Department Order para ipatupad ang no vaccination, no ride policy sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 o higit pa.
“All concerned attached agencies and sectoral offices of DOTr are directed to ensure that operators of public transportation shall allow access or issue tickets only to ‘fully vaccinated persons’ as evidenced by a physical or digital copies of an LGU (local government units) -issued vaccine card, or any IATF- prescribed document, with a valid government issued ID with picture and address,” ayon sa mandato ng ahensiya.
Magiging epektibo ang Department Order sa mga pampublikong transportasyon matapos itong mailathala sa Official Gazette o ng mga pahayagan sa general circulation, at ang pagsumite ng kopya sa Office of the National Administrative Register sa UP Law Center.
Ayon sa Department Order, maikonsiderang fully vaccinated ang isang indibidwal laban sa COVID-19 kapag nakalipas na ng dalawang linggo matapos mabakunahan.
Exempted naman sa no vaccination, no ride policy ang mga indibidwal na may medikal na kondisyon na may dalang medical certificate na nilagdaan ng doktor, mga taong bibili ng essential goods na may dalang inisyu na barangay health pass.