Makati at QC, mawawalan ng tubig simula Enero 23-24 –Manila Water

Makati at QC, mawawalan ng tubig simula Enero 23-24 –Manila Water

NAG-anunsyo ang Manila Water Company (Manila Water) ng water interruption dahil sa kanilang service improvement activities sa ilang bahagi ng Makati City at Quezon City simula Enero 23-24.

Ayon sa pamunuan ng Manila Water, magsisimula ang water interruption mula 10 pm ng Enero 23 hanggang 3:30 am ng Enero 24 sa mga apektadong lugar na bahagi ng Brgy. Kasilawan, partikular sa E. Pascua Corner C. Francisco; Brgy. Valenzuela at Olympia, partikular sa JB Roxas corner Hormiga sa Makati City para sa line maintenance.

Sa Quezon City naman ay ang Brgy. Loyola Heights, partikular sa Daang Tubo Street; Brgy. Amihan, partikular sa Molave Street; Brgy. Libis, partikular sa Oakville Street para sa line maintenance.

Samantala, pinayuhan ng kumpanya ng tubig ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na tubig upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa panahon ng mga aktibidad sa pagpapabuti ng serbisyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter