MAGIGING co-host ng isang online meeting sina US Secretary of State Antony Blinken at Japanese Foreign Minister Yoshimasa Hayashi para suportahan ang sektor ng enerhiya ng Ukraine.
Ang pagpupulong ay isinara sa media at dadaluhan ng mga foreign affairs chief ng Group of Seven Major Democratic Economies at key partners nito. co-host
Bumisita si Hayashi sa Washington sa gitna ng buwan ng Enero at kinumpirma kay Blinken na ang Japan ay sumusuporta sa Ukraine.
Sa kanilang pagpupulong, pinag-usapan ng dalawang diplomatiko ang mga hakbang para palawigin ang tulong sa energy sector ng Ukraine.
Matatandaan na ang Japan ang chairman ngayon sa G7 at siniguro na mayroon itong plano para suportahan ang Ukraine laban sa Russia.