HINILING ng Commission on Elections (COMELEC) ang karagdagang P3 bilyong budget para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa Oktubre 30, 2023.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia na ang P3 bilyon ay para sa supplemental budget para dagdagan ang honoraria ng mga manggagawa sa halalan.
Sinabi na Garcia na mano-mano ang gagawing halalan at mangangailangan ng mas mahabang panahon ng trabaho kumpara sa automated elections.
Dagdag pa nito kung magiging mabait ang Kongreso na bigyan ng discretion ang COMELEC, magbibigay sila ng karagdagang P2,000 para sa mga myembro ng electoral board.