Kabayanihan ng SAF 44, nawa’y hindi nakakalimutan –Atty. Topacio

Kabayanihan ng SAF 44, nawa’y hindi nakakalimutan –Atty. Topacio

HUWAG kalimutan ang naging kabayanihan ng 44 na myembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na nasawi noong January 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao del Sur.

Ayon ito kay Atty. Ferdinand Topacio, ang legal counsel ng SAF 44 ngayong ginugunita ang pagkamatay ng mga ito, 8 taon na ang nakalipas.

Magugunitang nasawi ang SAF 44 dahil sa kanilang operasyon na tinawag na ‘Oplan Exodus’ kung saan target mapatay ang terorista at bomb-maker na si Marwan.

Nagtagumpay man sa kanilang misyon, marami rin ang nakaltas sa kanilang hanay.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Atty. Topacio na November 8, 2019 pa ang huling update ng Mamasapano Case.

Umaasa naman si Atty. Topacio na uusad at mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng SAF 44 sa lalong madaling panahon.

Maliban kay late President Noynoy Aquino, kinasuhan din si Getulio Napeñas at Alan Purisima.

Follow SMNI NEWS in Twitter