Halaga ng suplay ng mga nasasayang na bala sa AFP, pinatututukan

Halaga ng suplay ng mga nasasayang na bala sa AFP, pinatututukan

AMINADO ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na marami ang nasasayang na bala sa kanilang hanay.

Dahilan nito ay ang kawalan ng maayos na pasilidad para dito na siyang sanhi ng halos sunud-sunod na insidente ng sunog sa mga low quality ammo bunkers sa ilang kampo ng military.

Sa panayam kay AFP chief of staff General Andres Centino, sinabi nito na kanilang pag-aaralan kung magkano ang kabuoang halaga ng mga hindi nagagamit na suplay na bala.

Bagamat may kaliitan lang aniya ito pero hindi pa rin ito dapat na isantabi lalo pat pondo ng pamahalaan ang ginagamit dito.

Sa ilalim ng kautusan ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr., inatasan nito ang lahat ng Command sa bansa na magtayo ng ammunitions storage facility para sa kaligtasan ng mga biniling bala sa susunod na mga panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter