PATULOY ang paghahatid ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ng mga libreng gamot, konsultasyon, gupit at tulong financial sa mga residente ng lungsod.
Pinangunahan ito ng alkalde ng lungsod na si Mayor Along Malapitan sa Caloocan City Hall-South sa kanyang programang People’s Day kasama ang Caloocan City Medical Center (CCMC).
Layunin ng programa na mapangalagaan at matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan.
Isinagawa ito bilang bahagi ng ika-61 na makabuluhang pagdiriwang ng anibersaryo ng Caloocan.