Katawan ng pinaslang na OFW sa Kuwait, isasailalim sa autopsy ng NBI

Katawan ng pinaslang na OFW sa Kuwait, isasailalim sa autopsy ng NBI

ISASAILALIM sa autopsy ng National Bureau of Investigation (NBI) ang katawan ng overseas Filipino worker (OFW) na brutal na pinatay at sinunog sa Kuwait.

Sa media forum, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na isasagawa ang autopsy oras na dumating sa bansa ang mga labi ng biktimang si Jullebee Ranara.

Ito ay bilang tugon na rin sa hiling ng pamilya ni Ranara.

Ayon kay Ople, hiniling din ng pamilya ni Ranara na gawing private event ang pagdating sa bansa ng mga labi ng OFW na nakatakda mamayang gabi.

Samantala, sinabi ng kalihim na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang pamilya ng OFW at igalang ang kanilang kahilingan na aktibong isulong ang hustisya para sa biktima.

 

Follow SMNI News on Twitter