China, tinanggal na ang restriksyon sa pag-iisyu ng visa sa mga residente ng Japan

China, tinanggal na ang restriksyon sa pag-iisyu ng visa sa mga residente ng Japan

INIHAYAG ng China na magbabalik na ang pag-iisyu ng ordinaryong visa para sa mga residente ng Japan, isang hakbang na ipinatupad sa pagsisimula ng buwan ng Enero kasabay ng paghihigpit ng Japan sa mga manlalakbay mula sa China.

Ayon sa Chinese Embassy sa Tokyo, ibabalik nito ang pag-iisyu ngayong araw, ang hakbang ay inaasahang magluluwag ng pangamba sa mga Japanese na mayroong negosyo sa China.

Ang pagtatapos ng restriksyon ay kasabay ng pagpopokus ng China sa muling pag-recover ng ekonomiya nito na lubhang naapektuhan ng lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Umapela ang Tokyo sa Beijing sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan at hiniling na wakasan ang mga restriksyon dahil ayon kay Prime Minister Kishida, walang kinalaman sa restriksyon sa COVID-19 ang hakbang na ito ng China.

Matatandaan na hindi lamang sa Japan sinuspinde ng China ang pag-iisyu ng visa kundi maging sa South Korea noong nagsisimula pa lamang ang taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter