Cebu City Mayor Rama tampok sa SMNI Exclusive ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Cebu City Mayor Rama tampok sa SMNI Exclusive ni Pastor Apollo C. Quiboloy

WALANG mapagsidlan ang tuwa at galak na naramdaman ni Cebu City Mayor Michael Mike Rama ng personal itong maging tampok sa programang SMNI Exclusive ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ.

Sa halos dalawang oras na interview, ay nailatag at naipaabot ni Mayor Rama ang kanyang mga saloobin sa mga isyu at bagay na kinahakarap nito sa lungsod.

Naipahayag rin ng butihing Mayor ang kanyang mga plano sa hinaharap sa iba’t ibang sector ng lipunan.

Samantala, sinabi rin ni Rama na hindi naging malaking problema sa kanya ang isyu ng insurhensya, dahil napatunayan nito, na kapag dinala nila ang serbisyo sa publiko, ay malalayo ito sa kahit anong panlilinlang.

‘’Alam mo Pastor, hindi ako nagkaroon ng malaking problema dahil ang ginawa natin Pastor, ay ibinaba natin ang pamamahala sa mga tao. Napakahalaga niyan. Number two, sensitivity of their wants. Number 3, programa nako, let there be light. Ang layo-layo, pupuntahan ko iyan. Then I just realized that they are the beneficiary of Let there be Light,’’ ayon kay Mayor Rama.

Sa kabilang banda, ay malaki naman ang pasasalamat ni Cebu City Mayor Mike Rama kay Pastor Apollo sa pagkakataong binigay nito sa kanya, upang makadaupang palad ito at matalakay ang mga napapanahong isyu at maghatid ng kaliwanagan hindi lamang sa mga taga Cebu, kundi maging ng bawat Pilipino.

Nagpaabot rin ng kanyang mensahe ang butihing alkalde kay Pastor Apollo.

‘’Continue, be healthy, touch hearts and we call it..make in the lives of everyone who really believe that when you believe in God, and you work hard and it’s really going to spell the difference. Yun ang pinaka importante, tama yung sinabi niya, pinag-uusapan namin, we don’t live forever, but we have a vision to perform and that is touching heart, in the name of God,’’ saad nito

Sa kabilang banda, matapos ang nasabing programa ay masaya namang nagtungo si Mayor Rama sa Prayer Mountain ng the Kingdom of Jesus Christ sa Tamayong, Davao City kasama ang pamilya nito.

Sunod naman nilang binisita ang Glory Mountain kung saan makikita ang pinakamalaking taniman ng pine trees sa rehiyon at iba pang punong kahoy na parte ng environment restoration project ni Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Twitter