KINONTRA ni Cebu City Mayor Michael Rama ang pagkakaroon ng signal shutdown sa buong lungsod ng Cebu kasabay ang pagdiriwang ng Sinulog Festival.
Ayon sa kasunduan sa pagitan ng Police Regional Office-Central Visayas at National Telecommunication Commission na magkakaroon ng signal shutdown ang lungsod mula Enero 14 – 15.
Kung saan 4 na telecom ang ihihinto ang lahat ng signal sa lungsod ng Mandaue, Lapu-Lapu at Cebu mula 4am – 10am sa Enero 14 habang 12nn – 8pm naman sa Cebu City.
Ngunit sa kabila nito, hindi ito sinang-ayunan ng alkalde matapos hindi ito dumaan sa kanya upang maaprubahan.
Maliban dito nais din ng alkalde na ilipat mula sa tradisyonal na venue sa Cebu City Sports Center, ililipat ang Sinulog Grand para sa South Road Properties (SRP).