Content creator na si Nas Daily, nasangkot na naman sa kontrobersya

Content creator na si Nas Daily, nasangkot na naman sa kontrobersya

NASANGKOT na naman sa kontrobersya ang content creator na si Nas Daily.

Sa isang video nito noong February 8, 2023, binisita ni Nas Daily ang Indonesia partikular na ang Bali.

Tinawag niya itong “The Whitest Island in Asia” dahil sa napakaraming turistang puti ang bumibisita dito.

Sa kanyang description, ikinatuwa nito ang kagandahan ng kapaligiran na aniya’y puno ng rice field.

Maging ang pagiging hospitable ng taga-Bali at ang pagiging affordable ng mga bilihin ay pinuri ni Nas Daily.

Ikinatuwa rin aniya ang transportation mode ng Bali kung saan walang subway system o bus at tanging scooter lang ang ginagamit.

Sa kabila nito, ikinagalit ng karamihan sa nanood ng video dahil isa umano itong uri ng gentrification.

Ang gentrification ay salitang ginamit para ilarawan ang proseso na paglipat ng mga mayayamang tao sa mahihirap o working-class communities.

Sa mga komento, sinasabi ng karamihan na hindi man lang naipakita ni Nas ang kabuoang pamumuhay sa Bali kung kaya’t iginalit ito ng viewers.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa kontrobersya si Nas Daily.

Sa katunayan, ang Filipino entrepreneur na si Louise Mabulo ng The Cacao Project ay may negatibong karanasan kasama ang vlogger.

Ang 104-years old na Filipino tattoo artist na si Apo Whang-Od ay may karanasan ding hindi kanais-nais sa kaniya.

Follow SMNI NEWS in Instagram