Mariel Rodriguez-Padilla, nanguna sa isinusulong na National Hijab Day

Mariel Rodriguez-Padilla, nanguna sa isinusulong na National Hijab Day

PINANGUNAHAN ng National Commission on Muslim Filipinos Observance of National Hijab Day, kabilang si Mariel Rodriguez-Padilla, may bahay ni Senator Robin Padilla na naghatid ng mensahe.

Kasama ang ilang matataas na opisyal na sina Atty. Faydah M. Dumarpa Commissioner, Commission on Human Rights, Dalisay ‘Alley’ Macadawan Al-Haj  Commissioner National Commission on Muslim Filipino at iba pa.

Ang National Hijab Day ay layuning maipakita ang kultura ng mga kababaihang Muslim ang kanilang kasuotang hijab.

Ayon kay Mariel Rodriguez-Padilla, ang Hijab Day Bill ay isinusulong na ni Sen. Padilla at nasa interpolation na sa Senado.

Aniya layunin nito ay upang mawala na ang diskriminasyon sa kanilang kasuotan na parang nakakaramdam sila ng hindi magandang trato sa kapwa Pilipino.

Sinabi pa ni Ginang Padilla, kung pumasa ang bill na isinusulong ni Sen. Padilla, ang magiging epekto sa mga Muslim na kababaihan ay may respeto at paggalang at mawawala na ang diskriminasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter