Defense Minister ng South Korea, bumisita sa Polish arms company sa Warsaw

Defense Minister ng South Korea, bumisita sa Polish arms company sa Warsaw

BUMISITA si South Korea Defense Minister Lee Jong-Sup sa isang Polish arms company sa Warsaw.

Ito ay kasabay ng pagpapalawig ng ugnayan ng South Korea sa Poland pagdating sa Defense industry.

Si Lee ay dumating sa nasabing bansa noong Miyerkules upang makipag-usap sa Polish counterpart nito na si Mariusz Blaszczak.

Ilang oras lamang nang dumating ito sa Poland ay bumisita na ito sa state owned arms company na Polska Grupa Zbrojeniowa at nakipagkita kay Sebastian Chwalek, presidente ng PGZ Management Board.

Samantala, bumisita rin si Lee at nagbigay ng respeto sa ‘Tomb of the Unknown Soldier’ na matatagpuan sa kapital ng Poland.

Noong nakaraang taon ay pumirma ng malalaking kasunduan ang South Korea sa Poland para suplayan ito ng South Korean Weapon System kabilang na ang K2 battle tanks, K9 self-propelled Howitzers at FA-50 light attack aircraft.

Follow SMNI NEWS in Instagram