175 magsasaka mula Aklan, napagkalooban ng titulo ng lupa ng DAR

175 magsasaka mula Aklan, napagkalooban ng titulo ng lupa ng DAR

NASA 175 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula Aklan ang natupad na ang pangarap na magkaroon ng sariling lupang sakahan.

Sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project ng Department of Agrarian Reform (DAR), kabuoang 183 electronic land titles (e-titles) na binubuo ng 304.9723 ektarya ng lupang agrikultural ang ipinamahagi sa 175 na magsasaka.

Nangako naman si DAR Secretary Conrado Estrella III na patuloy na palalakasin ang mga ARB sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng lahat ng kinakailangang suportang serbisyo upang matiyak ang kanilang tagumpay kapalit ng pagiging food producers at providers ng bansa.

Bukod sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa, namahagi rin ang DAR ng P8.4 milyong double-lane modular steel bridge sa ilalim ng Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang-agraryo (TPKP) project at farm machineries and equipment (FME) na nagkakahalaga ng P275,850.00 sa mga piling ARB organizations (ARBOs) sa ikalawang distrito ng Aklan at groundbreaking ng farm-to-market roads (FMRs) na nagkakahalaga ng P50 milyon.

Follow SMNI NEWS in Instagram