Boracay Island, naghahanda sa posibleng epekto ng oil spill—DOT

Boracay Island, naghahanda sa posibleng epekto ng oil spill—DOT

NAGHAHANDA ang Boracay Island sa posibleng epekto ng oil spill na naganap sa Oriental Mindoro ayon sa Department of Tourism (DOT).

Patuloy na nag-roroving at minomonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) at Malay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa mga baybayin ng Boracay, paglalahad ng DOT.

Dagdag ng ahensiya na nag-preposition na ang mga awtoridad ng oil slick booms sa mga estratehikong lugar sa paligid ng isla bilang pag-asam ng mga oil spill.

Nakikipag-ugnayan naman ang DOT Western Visayas Office sa Malay LGU sa pagpapaabot ng posibleng tulong sa mga turista sa Boracay sakaling ang spillage ay umabot sa coastal area ng isla, at naglabas din ng mga advisories sa mga lugar na apektado ng oil spill.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter