PCG, may namataang oil spillage mula sa lumubog na barko sa Naujan, Oriental Mindoro

PCG, may namataang oil spillage mula sa lumubog na barko sa Naujan, Oriental Mindoro

MAY namataan na oil spillage ng diesel fuel ang Philippine Coast Guard (PCG) sa katubigan ng Balingawan Point, Naujan, Oriental Mindoro matapos lumubog ang Mt. Princess Empress na may kargang 800,000 litro ng fuel.

Sa pinakahuling ulat ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702), na-monitor ang humigit-kumulang 6 na kilometrong haba at 4 na kilometrong lawak ng oil spillage kaninang alas 6:10 ng umaga.

Kinumpirma rin ng PCG response team na mula sa pagiging half-submerged ay tuluyan nang lumubog ang Mt. Princess Empress sa naturang katubigan.

Sa ngayon ay patuloy na binabantayan ng PCG ang pinangyarihan ng insidente para makibahagi sa isinasagawang oil spill assessment at oil spill response operation.

Samantala, muli namang lilipad ngayong araw ang Coast Guard Aviation Force para magsagawa ng karagdagang aerial surveillance.

Follow SMNI NEWS in Twitter