IGINIIT ng National Economic and Development Authority (NEDA) at ng Commission on Elections (COMELEC) na mas tipid sa pondo at oras ang constituent assembly kumpara sa Constitutional convention (Con-ass).
Ipinunto ni Reverie Sapaen, director of governance staff ng NEDA, kay Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes sa Baguio City na P46 million ang gagastusin sa Con-ass kung masasabay ang plebisito nito sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Oktubre.
Dagdag ni Sapaen, kung ang plebisito ay hindi hahabol sa BKSE election sa Oktubre, maaaring P13.9 bilyon ang gagastusin.
Pero kung sa Constitutional convention, gagastos ang gobyerno ng P15 bilyon kung sabay sa BKSE election, at P28.5 bilyon kung hindi sabay.
Sa P15 bilyon para sa Con-Con, ipinunto niya na P805 milyon ang gagastusin sa allowances, emoluments, at accommodations ng Con-Con delegates.
Ani Julius Torres, COMELEC regional election director for CAR, mas maraming proseso ang Con-Con, kasama ang pag-imprenta ng 68 milyong balota para sa Con-Con delegates, pag-train ng guro, at malaking information drive para sa balota sa barangay, SK, at Con-Con delegates.