Mga atletang transgender, banned na mula sa women’s events

Mga atletang transgender, banned na mula sa women’s events

NAGPATUPAD na ng ban si World Athletics President Sebastian Coe sa mga transgender women na makasali sa mga women’s events kahit na ano pa ang bilang ng testosterone levels nito.

Ani Coe, walang transgender athlete na sumailalim sa male puberty ang pwedeng makasali sa Female World Ranking Competitions simula March 31.

Ayon kay Coe, kumonsulta ang world athletics sa stakeholders kabilang ang 40 na national federations, International Olympic Committee at trans groups patungkol sa issue ng transgender athletes.

Ani Coe, nahirapan silang magdesisyon lalo pa’t sangkot dito ang pangangailangan at karapatan sa pagitan ng magkakaibang grupo ngunit aniya ay kailangan nilang ipagpatuloy ang pagkakaroon ng kapatasan para sa mga female athletes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter