MULING humirit ng gintong medalya ang national junior weightlifting team sa International Weightlifting Federation (IWF) Youth Championships na ginaganap sa Durres, Albania.
Pinagharian ni Albert Ian delos Santos ang men’s 61 kg. division kung saan bumuhat ito ng 110 kgs. sa snatch at 149 kgs. sa clean and jerk para sa kabuuang 259 kgs.
Tinalo ni Delos Santos si Perhat Bagtyyarov ng Turkmenistan na nagsumite ng 258 kgs. (total) mula sa 114 kgs. sa snatch at 144 kgs. sa clean and jerk para sa pilak na medalya.
Malaki ang pasasalamat ni Delos Santos kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz na isa sa inspirasyon nito at tumutulong sa kanilang training.
Si Delos Santos ang ikalawang gold medalist sa torneo matapos mamayagpag si Prince Keil Delos Santos sa men’s 49-kg. division sa opening day ng torneo.