Sen. Go, papasinayaan ngayong hapon ang dalawang gusali sa QC

Sen. Go, papasinayaan ngayong hapon ang dalawang gusali sa QC

PAPASINAYAAN ngayong hapon ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kasama si Quezon City Councilor Mikey Belmonte ang dalawang gusali sa lungsod ng Quezon.

Unang tutunguhin ng senador ang inauguration at turn-over ng MB-SBG multi-purpose building sa Promise Land, Barangay Bagong Silangan.

Ikalawa ay papasinayaan din ni Go kasama ni Councilor Belmonte ang isa pang multi-purpose building sa Diamond Home Owner Association sa Barangay Commonwealth.

Matapos nito ay tutungo na si Sen. Go sa SB Park sa Barangay Batasan Hills para personal na saksihan ang pagkakaloob ng financial assistance ng DSWD sa isang libong mahihirap na benepisyaryo sa nasabing lungsod.

Si Go ay mamamahagi rin ng kaniyang personal na tulong sa nasabing lugar kung saan makakatanggap sila ng grocery packs, vitamins, facemask at burger.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter