Kampanya kontra mga colorum na sasakyan, patuloy na isinusulong ng MMDA

Kampanya kontra mga colorum na sasakyan, patuloy na isinusulong ng MMDA

PATULOY na isinusulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kampanya laban sa lahat ng colorum operations sa Metro Manila.

Ayon kay Head of the MMDA Task Force Special Operations (TFSO) and Anti-Colorum Unit Edison Nebrija, ang hakbang na ito ay para maprotektahan ang mga commuters laban sa mga abusadong drivers at proteksiyon mula sa biyahe.

Para sa kaalaman ng lahat, ilan sa mga modus ng mga colorum ay naniningil ng dobleng pamasahe na maaring ibayad sa pamamagitan ng GCash.

Kalimitan aniya sa sasakyang ginagamit ay kotse o van, at ilan sa kanilang mga drivers ay walang lisensiya o gumagamit ng lisensiya na hindi sa kanila.

Babala naman ni Nebrija sa lahat ng sumasakay sa mga colorum, hindi ico-cover ng kahit anong insurance company ang bayarin sakaling may aksidente kapag napag-alaman na colorum ang sinakyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter