Paglalabas ng EO ukol sa pagpapatupad ng RCEP at SPF, inaprubahan ni PBBM

Paglalabas ng EO ukol sa pagpapatupad ng RCEP at SPF, inaprubahan ni PBBM

INAPRUBAHAN ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang dalawang hakbang na naglalayong isulong ang mga pagsisikap ng gobyerno tungo sa pagkamit ng malalim na pagbabago sa lipunan at ekonomiya tungo sa isang maunlad, ingklusibo, at matatag na Pilipinas.

Sa ika-5 na meeting ng NEDA Board, suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang paglalabas ng isang Executive Order (EO) hinggil sa pagpapatupad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at Social Protection Floor (SPF) ng pamahalaan.

Sa ginanap na press briefing sa Malacañang, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na inaprubahan muna ng Board ang EO na nagpapatakbo ng tariff commitment ng Pilipinas sa ilalim ng RCEP agreement.

Bukod dito, ang ikalawang panukalang inaprubahan ay ang rekomendasyon para sa Social Protection Floor (SPF) na inendorso ng Cabinet-level ng Social Development Committee.

 “These recommendations aim to institutionalize and improve the government’s current initiatives that cater to the needs of the most vulnerable Filipinos,” saad ni Sec. Arsenio Balisacan, NEDA.

Kaugnay dito, pinag-usapan ng Social Development Committee ang mga hakbang patungkol sa social protection gaya ng institusyonalisasyon ng mga programa, mga estratehiya sa ilalim ng Philippine Development Plan, at pagsunod sa mga social security standards na kinikilala ng International Labor Organization.

 “The SPF refers to nationally defined set of basic social security guarantees that aim to prevent or alleviate poverty vulnerability and social exclusion,” dagdag ni Balisacan.

Sinabi ni Balisacan na ito ay binubuo ng 4 na basic guarantees na sumasaklaw sa buong life cycle: Kalusugan (kabilang ang maternity care), mga bata, active age, at older persons.

Ayon naman kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ang EO ukol sa pagpatutupad ng RCEP ay magpatatakbo ng implementasyon ng tariff commitments ng Pilipinas sa ilalim ng RCEP agreement.

Ang proposed effectivity ng EO ay sa Hunyo 2, 2023, kasabay ng pagtatapos ng 60-day period pagkatapos ng pagdeposito ng

instrument of ratification.

Kapag nailabas na, ang EO ang magiging batayan ng Bureau of Customs (BOC) para sa pagpapalabas ng Administrative Order (AO)ng Customs, na dapat ipamahagi sa lahat ng mga daungan.

Ito’y upang bigyang-daan ang pagpatutupad ng mga preferential tariffs sa mga e-port mula sa mga bansang miyembro ng RCEP.

Sa rekomendasyon ng NEDA Board, ang EO ay nagbibigay sa Pangulo ng awtoridad na baguhin ang import duties, kabilang ang anumang kinakailangang pagbabago sa pag-uuri at iba pang mga paghihigpit sa pag-import kung kinakailangan at naaangkop upang isagawa at itaguyod ang foreign trade sa ibang mga bansa.

Sa kabilang banda, ipinag-utos din ng Punong-Ehekutibo sa mga ahensiya ng gobyerno na magsagawa ng isang kampanya para ipaalam sa mamamayan ang magandang benepisyo ng RCEP sa bansa.

“Now, following the issuance of the EO, these are more important things, and this is a bigger task for us in DTI in conjunction with the other departments of the government. We will have to make the public particularly the businesses in our country aware of the benefits that they can gain from RCEP as well as the other existing preferential trade agreements,” saad ni Sec. Alfredo Pascual, DTI.

Ang RCEP agreement ay isang moderno, komprehensibo, mataas na kalidad at kapwa kapaki-pakinabang na economic partnership agreement na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa market access sa kalakalan, serbisyo at pamumuhunan.

“The agreement also establishes clear, stable and predictable rules on trade and investments in our region which makes it more convenient and competitive for Philippine businesses and investors to be integrated into the global economy,” dagdag ni Pascual.

Matatandaang kinumpirma ng Pilipinas ang intensiyon nito na maging isang partido sa RCEP agreement sa ratipikasyon ni Pangulong Marcos noong Nobyembre 28, 2022 ng naturang kasunduan na layong mapasigla ang komersyo.

Ang RCEP ay isang Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng 10 member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at limang FTA partners: Australia, China, Japan, New Zealand, at ang Republic of Korea.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter