Japan, magpapadala na ng self-defense forces para sa evacuation ng Japanese nationals

Japan, magpapadala na ng self-defense forces para sa evacuation ng Japanese nationals

HANDA ang Japan na magsagawa ng evacuation sa mga Japanese na nasa Sudan kasunod ng patuloy na girian ng militar at Rapid Support Forces roon.

Magpapadala ang Japan ng Self-Defense Forces sa Sudan upang i-rescue ang mga Japanese na naninirahan roon kasunod ng patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Sudanese army at paramilitary rapid support forces.

Sinabi ni Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno sa isang emergency press conference na wala namang ulat na mayroong nasugatan sa aabot sa 60 Japanese na naninirahan sa Sudan.

Mariin ring kinondena ng G7 foreign ministers sa pangunguna ng Japan ang gulo na ito dahil posibleng makaapekto umano ito sa transisyon ng gobyerno ng Sudan sa demokratikong pamamahala.

Pagkain at iba pang pangunahing suplay, nagkakaubusan na sa Sudan

Sa ngayon ay halos magkaubusan na ng suplay ng pagkain sa Sudan dahil hindi makalabas ang mga sibilyan kasunod ng sunod-sunod na mga pagsabog.

Mayroon na ring mga ulat ng panic-buying sa pangunahing suplay ng pagkain at ang pagsasara ng wholesale markets ay nakadagdag pa sa alalahanin ng mga residente.

Ayon kay Adam Yahya Abdel Rahman, isang grocery store owner, hindi na siya muling nakabili ng stock sa kaniyang tindahan mula nang magkaroon ng kaguluhan noong nakaraang weekend.

“My name is Adam Yahya Abdel Rahman. I live in Revolutionary District 29 in Omdurman and run a grocery store. We are in the middle of Ramadan and market activity is fairly weak. Although the current situation is very unsafe, I have to keep the store open due to the pressure of store rent, family expenses, and the children’s tuition. In terms of the flow of goods, we haven’t been able to purchase anything from a big market for three days since the conflict broke out. The wholesale market where we purchase goods has been closed because of the fighting. And as for the level of shopping, since the beginning of Ramadan, purchases have been at the average level over the years. But since the conflict erupted, we have noticed a change in consumer behavior–people are buying more than usual. Today is the 26th day of Ramadan and my shop is out of many things, such as sugar, rice, pasta and so on. People used to buy a kilo or half a kilo of sugar, rice and flour for daily consumption, but now they buy five kilos or even more to stock up on food at home,” ayon kay Adam Yahya Abdel Rahman, owner, grocery store.

Ayon sa pinuno ng Rapid Support Forces, inaprubahan na ito ang ceasefire upang masiguro ang kaligtasan ng mga sibilyan sa pag-evacuate nito ngunit inakusahan ang militar na lumalabag sa mga nagdaang kasunduan nito.

Sa ngayon ay aabot na sa 270 tao ang nasawi at 2,600 naman nasugatan sa kaguluhang ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter