Obligasyon ng isang PAO lawyer, ‘di dapat husgahan—Atty. Gadon

Obligasyon ng isang PAO lawyer, ‘di dapat husgahan—Atty. Gadon

BINATIKOS ni Atty. Larry Gadon ang umano’y pagtawag na komunista sa isang abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) na humahawak sa kaso ng mga nahuhuling New People’s Army (NPA).

Ito ay kasunod ng memorandum na inilabas ni Col. Dennis A. Siruno ng Surigao del Sur Provincial Police Office noong Marso 29 na inatasan ang PNP na i-profile ang PAO lawyer na si Carol Anne A. General na sinasabing tumutulong sa mga kasong hinaharap ng mga rebeldeng NPA.

Ayon kay Gadon, obligasyon ng mga PAO lawyer na tuparin ang sinumpaan nito sa batas na tutulong sa kahit sinong nangangailangan.

Wala rin aniya silang karapatang tumanggi lalong-lalo na kung may utos ang korte na sila ang hahawak ng kaso.

Iminungkahi rin ng abogado na sana ay magkaroon ng re-orientation ang mga kapulisan kaugnay rito.

Samantala, agad namang pinabulaanan ni Siruno ang hakbang na ito at sinabing wala siyang inilabas na memo para sa profiling ng naturang PAO lawyer.

Follow SMNI NEWS in Twitter