Mga kongresista, ipinagmalaki ang Pinoy lumpia sa US

Mga kongresista, ipinagmalaki ang Pinoy lumpia sa US

IPINAGMAMALAKI ng mga kongresista ang Filipino food na ‘lumpiang shanghai’ sa pagbisita ng mga ito sa US.

Katunayan, tuwang-tuwa sina House Speaker Martin Romualdez, Deputy Speaker Dong Gonzales at Navotas Rep. Toby Tiangco na makakain ng lumpia sa kasagsagan ng kanilang trabaho sa Amerika.

Binili naman ng House contingent ang lumpia mula sa Pinoy chef na si Jeffrey Domigpe, may-ari ng TresM Food Truck.

Ang puwesto ng Pinoy chef ay sa grounds lamang ng Philippine Embassy sa Washington DC.

Bukod sa lumpia, tinikman din ng mga kongresista ang Pinoy barbeque.

Matatandaan na kalagitnaan pa ng Abril nang magpunta ang mga kongresista sa US para ayusin ang working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. doon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter