13 pang bilanggo sa NBP na nagpositibo sa COVID-19, nakalabas na sa isolation ward

13 pang bilanggo sa NBP na nagpositibo sa COVID-19, nakalabas na sa isolation ward

KINUMPIRMA ng Bureau of Corrections (BuCor) na 13 pang mga persons deprived of liberty (PDLs) o bilanggo na nagpositibo sa COVID-19 ang nakalabas na sa isolation ward ng New Bilibid Prisons.

Ito’y matapos nagnegatibo sa ikalawang rapid antigen test, habang ang dalawa pang PDLs ay inilipat sa ibang ward dahil sa ibang medical conditions.

Sinabi ni Dra. Maria Cecilia Villanueva, director ng Health and Welfare Services ng BuCor na 75 PDLs na lang ang naka-isolate kabilang ang 15 senior citizens na pawang may mild symptoms.

Kaugnay rito, umabot na sa 7 tauhan ng BuCor ang nagpositibo sa COVID-19 at sila ay pinayuhan na mag-self isolate sa tahanan at binigyan ng reseta ng mga iinuming gamot.

Walang naitala ang BuCor na kaso ng COVID-19 sa ibang prison at penal farms sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter