NANINIWALA si Justice Secretary Crispin Remulla na indikasyon ng pagiging guilty, sakaling hindi bumalik ngayong araw sa Pilipinas si suspended Congressman Arnolfo Teves, Jr.
Magugunitang sinabi kahapon ng kalihim na batay sa impormasyon ng kaniyang reliable source ay darating ngayon ang kongresista.
Hindi naman tinukoy ni Remulla ang kabuuan ng flight details, maging kung saang bansa ito magmumula.
Tiniyak naman ni Remulla na sakaling uuwi ngayon si Teves ay hindi naman ito aarestuhin dahil wala pa naman warrant of arrest.