NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si Senator Win Gatchalian sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Kasunod ito sa pagkaantala ng 16 na transmission projects kung saan 6 pa lang dito ang nakukumpleto mula noong Marso 2023.
Ang masama pa ayon sa senador ay nakapagbabayad na ang pamahalaan gamit ang pera ng taumbayan sa mga proyektong hindi nakukumpleto.
Nais naman paimbestigahan ngayon ni Gatchalian ang malaking pagkaantala sa mga transmission projects ng NGCP upang matiyak ang pagkakaroon ng sapat at tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa bansa.
Iginiit naman ni Gatchalian na ang NGCP ay may mandatong tiyakin na makapaglingkod nang maayos sa mga generation company, distribution utilities, at mga supplier na nangangailangan ng transmission at ancillary services sa pamamagitan ng transmission system.