PBBM, ipinag-utos sa DICT na tulungan ang LGUs para sa pagpapatupad ng e-Gov system

PBBM, ipinag-utos sa DICT na tulungan ang LGUs para sa pagpapatupad ng e-Gov system

IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na tulungan ang mga lokal na pamahalaan para sa e-Gov system na parte ng digitalisasyon ng bansa.

Ang kautusan ay kasunod ng naging pulong ni Pangulong Marcos sa Malacañang nitong Mayo 23 kung saan napag-usapan ang iba’t ibang proyekto at programa ng DICT.

Naniniwala si DICT Secretary Ivan John Uy na malaki ang matitipid ng gobyerno dahil sa mas mabilis na prosesong maihahatid ng e-Gov system sa gobyerno at sa mga mamamayan oras na maipatupad ito.

Samantala, ibinahagi rin ng DICT chief sa Pangulo sa naganap na pulong ang iba’t ibang programa na nakapaloob sa National ICT Development Agenda 2023-2028 gaya ng National Broadband Plan, Digital Transformation, pati na rin ang estado ng Cybersecurity ng bansa, at ICT Competency Upskilling at Reskilling project para sa mga Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter